Thursday, July 31, 2014

The Math Secretary - 8th Episode

Nakaraan…

“Past” in English…

Pagpapatuloy…



At sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat.

Este ni Nold lang pala.

At sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay ni Nold.

Dumating na si Jo!

Monday, June 30, 2014

The Math Secretary - 7th Episode

Nakaraan…

Simula ngayon. Hindi ko napo sasabihin ang nakaraan…

Pagpapatuloy…


Sabado, alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na agad si Nold dahil sa di siya nakatulog sa buong magdamag…

Teka! Hindi pa la siya gumising kasi nga hindi nga siya nakatulog!

Let me correct that….

Sabado, alas kwatro na ng umaga ay gising pa rin si Nold dahil hindi siya nakatulog buong magdamag sa kasabikan na kanyang nararamdaman dahil iyon ang araw ng usapan ng grupo nila sa MSEP para mag practice ng kanilang gagawin.

Mahigit sa tatlong oras yata ang nagugol niya sa pagaayos sa sarili.

Kailangang gwapo ako ngayon!
Sabi niya sa sarili habang sinusuklay ang buhok.

Baseball cap, Tank top shirt, khaki jeans, at white rubber shoes.
Yan ang get-up ng ating bida ngayong araw na ito.

Pero parang badboy Robin Padilla look yata ang gusto niyang gawin kaya lang wala siyang leather jacket kaya para magmukhang astig ay kumuha siya ng round paper fastener at tinupi ang mga paa nito. Mayamaya pa ay ikinabit niya ito sa kaliwang tenga para gawing clip-on na hikaw.

Iyon na yun!

Nagmukha na siyang tanga!

Okay, hindi na kailangan nito!Sambit niya sa sarili habang mabilis na kinalas ang bagay na nagpamukhang engot sa kaniya sabay bulong sa sarili na: Dapat hindi ko na lang hinayaan na magsara yung butas nitong kaliwang tenga ko nung butasan ko ito nung grade six pa lang ako, ehdi sana astig ako ngayon!. Sayang…

Pagkatapos tiyakin na may sapat na siyang kumpiyansa sa sarili ay umalis na siya ng bahay upang pumunta sa lugar ng practice.

Pagdating niya sa bahay ng classmate ay si Josie Lynn agad ang hinanap ng kanyang mga mata pero subalit datapwat ay wala duon ang dilag?

Biancs… Asan yung iba bakit tatlo lang tayo dito?

Hindi ka pala nasabihan ano? Sambit ng classmate niyang si Bianca. Duon tayo sa bahay ng isa pa nating ka member mag-prapractice ngayon. Aantayin lang natin sandali si Mike.

Ah ganun ba… Okay sige…

Monday, March 31, 2014

The Math Secretary - 6th Episode

Nakaraan…

Dahil sa binitiwang salita at dahil ayaw ni Nold na masira ang samahan ay pilit niyang ibinaling sa iba ang nararamdaman.

Ngunit sadya yatang iba kapag puso ang nagdidikta.

Pagpapatuloy…


Sa kabila ng lahat ay di rin maiwasan ni Nold ang pagpapapansin kay Josie Lynn! Unconsciously ay ginagawa niya ito, siguro puso nya ang nagdidikta sa katawan niya kaya ganun.


Thursday, February 27, 2014

The Math Secretary - 5th Episode

Nakaraan…

Kahit parang sa tingin nya ay napagtripan siya dahil sa maling akala niya at napagbaligtad niya ang pangalan ng tunay niyang crush sa kanyang sinasabing bagong prospect.

Naging malinaw rin ang lahat sa kanya na ang pangalan ng kanilang Math Secretary na siyang talagang crush niya ay Josie Lynn Orfil at katabi nito na siya ngayong pinagbabalingan niya ng atensiyon ay Ruby Matapat.

Pagpapatuloy…


Salanyo, Rolando!

Ayos magkatabi parin kami ni Rol!

Pero si Vin ay napunta sa may bandang unahan kasi ay “A” ang apelyido niya.

Walang problema kasi panandalian lang naman ito at malamang ay wala ring magagawa ang teacher namin kapag nagdesisyon na kaming mag kanya - kanya ulit ng pwesto. Malamang ilang buwan lang ito.


*Note*

Usually ay talagang naglalagay ng seating arrangement ang mga teacher sa unang buwan ng eskuwela. Ito ay para makilala mo ang iba mong mga kaklase at matuto ka on your own na makipag bond sa iba. It’s somewhat psychological social something daw. Pero hindi lahat ng teacher ay ginagawa ito. Ewan ko kung bakit.?

*Back to the story*


Class this will be our permanent seating arrangement every class!

Saturday, January 18, 2014

The Math Secretary - 4th Episode

Nakaraan…

Itinuloy ni Nold ang plano nya na iba na lang ang ligawan at tuluyan ng kalimutan ang tunay niyang crush, ang kanilang Math Secretary.

Napagpasyahan niyang ligawan ang katabi nito sa upuan, at upang mapabilis ang lahat, nagdesisyon siyang alamin ang pangalan nito. Sinamantala niya ang quiz nila, dahil nagpalitan ng papel, nilapitan niya ito, sinilip ang papel na nasa kamay ng kanilang Math Secretary sa pag-aakalang nakipagpalit na ito ng papel sa kaniyang katabi, ang katabi na ngayon ay ang bago niyang prospect.

At ng nabasa niya ang pangalan ay binati nya ito Aha! si “Josie Lynn Orfil” ka pala ha!...

Pagpapatuloy…


Nagulat ako ng lumingon siya at sabihin sa akin…

Hindi ako si Josie Lynn! Siya yun!
Sabay turo sa katabi niya.

Huh! Ang pagtataka ko sa sarili ko.

Sabay ngumiti naman sa akin ang katabi niya at sinabing…

Ako si Josie Lynn!
Ruby ang panagalan nitong katabi ko!

Nagtinginan ang dalawa, nag-ngitian atsaka nagpalitan ng papel.

Anak ng pating!
Hindi pa pala nagpapalitan ng papel ang dalawang ito!

Ibig sabihin itong crush namin pareho ni Rol ay si Josie Lynn at itong bago kong prospect ay si Ruby?

Teka ang gulo ah?

Pero dun sa attendance notebook sa math eh si Ruby ang unang nakapirma?

Hyper Smash