Tuesday, September 03, 2013

The Math Secretary - 1st Episode

Bro!… Kamusta na?... Ayos ba ang bakasyon?...
Buti naman at magkaka-klase parin tayo noh! Buo pa rin ang tropa!
Kaya naman…

Tuloy ang ligaya!

Yan ang pambungad na bati sa amin ni Vin, isa sa tatlo na bumubuo sa aming tropa. Wala talagang pangalan ang aming barkadahan kaya naman maraming bansag ang iba sa amin. “ The 3 Musketeers”, “Tatlong Itlog”, “Tito, Vic, and Joey”, Atbp.

Hahahaha!….
(Sabay Apiran).

Si Vin, siya ang kenkoy dito mahilig magpatawa na ewan ba kung bakit sila natatawa pero ako hindi! Mahusay din siya sa basketball at “JOLAS” ang bansag sa kanya ng mga nakakalaro niya sa basketball kasi idol at ginagaya nya yung mga moves ni Jojo Lastimosa.

Naks naman!
Ang angas talaga nito!
Bati naman ni Rol kay Vin.

Si Rol naman ay ang Richard Gomez look alike ng tropa at talaga namang crush ng bayan. Ikaw ba naman ang maging Goma look alike, mahusay sa basketball at japorms pa lagi!

Yabang  talaga…
Oh! Eto ang FRESH at ng matahimik ka kahit saglit!
Bati ko naman kay Vin habang inaabutan siya ng ilang piraso ng paborito naming candy.

Ang inyong lingkod naman ay ang masasabing anino lamang nung dalawa, di masyadong pansinin kapag sila na ang kasama kaya naman minsan eh medyo may pagka KSP, ako po ay di kataasan, isang meztisohin, medyo may katabaan este mali!

Ahhh….
Ehhh…

“HUGGABLE!”

Tama! Yun nga!
Kung minsan tagabantay ng gamit nung dalawa kapag nagbabasketball sila pero nililinaw ko na hindi nila ako utusan! Ako ang coach nila! Coach ha! Hindi waterboy! Coach! Medyo may pagkamahangin daw ako sabi ng iba na hindi ko naman magets kung bakit ganoon ang tingin nila sa akin. In short eh… Bahala na nga kayo.

Ako po si Nold…
Arnold Rosario kapag pinahaba.

Ayos to mga pre…
Ayos talaga to mga pre…
Sabi ni Vin.

Pre ayos to…
Pre ayos talaga to…
Sabi ko.

Nakakita nanaman kayo ng mga chicks!
Sambit naman ni Rol sa amin.

Tara dating gawi, dun tayo sa likod para may freedom of movements tayo pagdating ng exams. Hehehe…

Sagot at yaya naman sa amin ni Vin.

Kaya naman ano pa nga ba’t gaya ng dati ay diretso sa pinaka likod ang tungo namin para sa kapakanan naman iyon ng bawat isa  sa amin. Pero lilinawin ko lang sa inyo na HINDI KAMI NANDADAYA SA EXAM! Ayaw lang namin na may makakopya sa amin, bukod sa aming tatlo. Nyahaha!

At siyempre pa habang naglalakad sa loob ng classroom ay nakikipag apiran at batian sa mga dati ng kakilala, nakikipagtitigan sa mga siga at sigasigaan, sumusulyap sa mga chika babes, ng biglang…

Aba ikaw pala yan!
Anong ginagawa mo dito?
Ang bati sa akin ni Tere.

Si Tere ay yung crush ko nung 1st year palang ako pero di ko niligawan kasi naman eh parang ate ko na siya. Apat na taon ang tanda niya sa akin at saka higit sa lahat ay mas matangkad siya sa akin. Eh hanggang dibdib lang niya ako eh! Sabagay okay din yung ganun para kapag nagyakapan kami ay sakto agad ako sa taget mountains!

Yes!…
Hehehe…
On the spot!…

Ngiti lang at “kamusta ka” at may kasunod na…
Kulet classmate pala kita! ang sambit nya.

“Kulet”! Yan ang isa sa mga bansag sa akin ng mga nakakakilala sa akin, ewan ko ba kung bakit sa tingin nila ay makulet ako at parang bata daw. Eh matanong lang naman ako, palabati, palakaibigan, makuwento at mahilig makipagusap. Pero siguro dahil sa dalawa rin ang puyo ko kaya ganun!

Pagkatapos ng kulitan session ko este kamustahan blues ay diretso na ako sa aming pwesto. Mukang marami yatang siga dito sa II-YELLOW…, isip-isip ko habang ginagawa ang lagi at nakaugalian ko ng gawin, ang tantiyahin ang mga classmates ko at sinusubukang i-distinguish kung sino-sino ang mga matalino, mukha lang na matalino, siga, mukang siga lang, competition, at yung pwedeng maging isang personal asset, yun bang pwedeng maging taga-gawa ng assignments at tagsulat ng lectures sa notebook.

Okay so nga pala eh na late kami ng pasok at natapos na pala yung pagpapakilala ng 1st subject teacher namin.

Ang 1st subject namin ay ang pinaka gusto ko sa lahat ng mga ayaw ko!???
“MATHEMATICS!”

ANTOKWA!

Talaga naman, simula ng mag highschool ako ay di ko na ito masyado ma-gets! Kung bakit ba naman kasi ang alam ko dapat ang Math eh puro numero lang yan! Tapos ngayon eh may kasama ng mga letra at hindi lang iyon! Nagkahugis pa!

Aba’t akalain mong yung letter pala ay pwedeng gawing square?

Etc…

O kaya cube?

Etc…

May power pa nga yang mga letter na yan eh?

A²³
B³²
C²²
Etc…

Pwede mo pa nga na i-add, subtract, multiply, at i-divide sa kahit na anong letra ang mga letra na iyan?

(A²+B³)C³²

Grabe talaga!

Samantalang di naman pwede gawing sentences ang mga ginagamit sa Math. Tiyak na magagalit sayo ang teacher mo.

“ENGLISH”

Hi! My name is minus sign “ – “ and I want to be standing tall in between my two good friends, the twin zero’s “00”.

Ex:   











Tiyak nyan guidance ang bagsak mo.

“FILIPINO”

Ang pinakapaborito ko pong puwesto ay ang numerong animnapu’t siyam! Tara subukan natin!

Ex:   69

Dito naman baka ma kick out ka na!

Nakaalis na pala ang teacher namin sa math ng kami ay dumating at tapos na rin ang election of class officers.

Haayy!… Grabe talaga sa Pilipinas! Sa iskwela lang mabilis matapos ang election!

Kinukuha na pala ng aming elected secretary ang mga names namin para sa attendance. Buti na lang at nakahabol pa kami! Hehehe…

Habang nangyayari ang lahat ng yun ay napansin ko itong isang babaeng classmate namin na kanina pa ay iniisa-isa ang mga classmates namin at kinakausap ang mga ito. Siya kaya ang President?

Maganda ah!

Maputi ah!

Parang kamuka nya yata si Thalia dun sa palabas na Maria Mercedes…

Sino kaya ito?

Malalaman ko rin ang pangalan mo. Antay ka lang Nold… Patience…
Sambit ko sa aking sarili.

Kaya naman ay inusisa este tinanong ko ang isa sa mga classmate ko na nasa harapan ko.

Brod! Sino yan! (sabay nguso sa babaeng talaga namang gandang ganda ako).

Ha? Ah yan yung Math Secretary natin, kinukuha yung mga pangalan natin para sa attendance. Swerte nyo nga at umabot kayo eh. Nakahabol pa kayo.

Ahhhh… Ganun ba...
So… sino nga yan? Anong pangalan?
Pasunod na tanong ko sa kanya.

Ah…
Eh…
Di ko alam eh!
Sorry!

Kainis naman to oh!
Sa loob loob ko.

Kaya naman ay napilitan na lang akong mag-intay sa pagkakataon na dadating sa akin para makilala ko siya at makulit ko siya este maitanong ang pangalan nya.

Pero bakit ba tila yata parang ang tagal naman nito. Kaya naman pala eh kasi naman habang papalapit ng papalapit sa dulo eh paparami naman ng paparami ang nakaupong mga kumag este mga lalaki.

Abat ang mga ito ang tagal ah! Ibibigay lang ang pangalan nila eh kung ano-ano pang talakayan ang ginagawa. Uunahan pa yata ako sa diskarte.

Pero di rin nagtagal ay isa na lang at ako na ang kasunod.

YAHOO!
Sa wakas ako na!

Ngunit bigla ay dumating na ang teacher sa kasunod na subject namin!

G-R-R-R….
Kainis!

Binigay na lang nya sa akin yung notebook na listahan ng attendace sabay sabi ng: “sulat mo name mo tapos sign ka tapos pasa mo sa sunod sayo. Okay…”


Itutuloy...

Hyper Smash