Thursday, October 10, 2013

The Math Secretary - 2nd Episode

Nakaraan…


Abot hanggang tenga ang ngiti ni Nold sa kanyang mukha dahil sa wakas ay siya na ang pipirma sa attendance notebook.

Sa wakas ay makikilala na niya ang kanilang class secretary.

Ngunit biglang dumating ang teacher nila sa kasunod na subject at bago pa man siya naka-usal ng anumang kataga ay nagsalita ang classmate niya ng…

“sulat mo name mo tapos sign ka tapos pasa mo sa sunod sayo. Okay…”


Pagpapatuloy…


Tapos  sabay talikod at alis!

Kainis!

Natulala lang ako at hindi na nakapagsalita sa sobrang paghanga sa napakagandang babaeng ito, at ang masama pa nyan eh hindi ko nagawang itanong man lang ang pangalan nya!

Bobo! Tanga!
Sabi ko sa sarili ko.
Ayan na nga sa harapan mo wala ka pang nagawa!

Tahimik parin akong nanghihinayang habang para namang ang lahat sa kapaligiran ko ay di ko naiintindihan kung anong nagyayari. Pinagmamasdan ko pa rin siya sa kinauupuan nya habang para namang slow motion ang lahat sa loob ng classroom namin.

Haayyy! Buntong hininga ko sa panghihinayang sa nawalang pagkakataon.

Grabe, perfect talaga, nakatalikod na yan pero malalaman mo pa rin na maganda kapag hinarap ka na nya. Banggit ko sa sarili ko habang minamasdan parin siya mula sa aking kinapupuwestuhan.

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang inaalala ko ang mga salitang sinabi nya sa akin kanina. Lalo na yung napakatamis na ngiti nya, para akong lumulutang sa hangin.

Aba teka!
Parang tinatawag nya yata ako?

Hoy!…

HOY!…

Hoy! MISTER!…

Aba at tumatawa pa yata siya?

Hahahahaha!………

Teka…

Bakit ganun? Parang magkasabay yata yung pagtawa nya at pagtawag ng hoy sa akin ah?…

Pare ano kaba?…

Umupo kana!…

Nold! GISING!…

Boses ni Vin iyon ah!…

Nakupo! Nangangarap pala ako ng gising!

Grabe! Nakatayo pala ako, tulala, habang nakangiti at nakatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang babaeng talaga namang pumukaw sa aking katinuan.

Yung kaninang tumatawag sa akin ng “HOY! MISTER!” ay ang teacher na pala namin sa second subject na ngayon ang akala pa yata ay autistic ako?

At yung tumatawa ay mga classmate ko pala! Kaya naman pala parang ang dami nung mga boses na naririnig kong tumatawa.

BADTRIP!

First day in 2nd year high school eh kahihiyan agad ang inabot ko.

Anak ng pating!

Eh ni hindi ko man lang pala nagawang umupo magisa sa pananaginip ko ng gising.

“TOTAL DAYDREAM PARALISYS”

Yan ang nangyari sa akin.

Bago pa man ako manliit sa kahihiyan ay hinila na ako ni Rol sa braso pababa para tuluyan na akong mapaupo. Sa ginawang yun ni Rol ay tuluyan na akong bumalik sa reality.

Okay ka lang ba brod?
Tanong ni Vin sa akin.

Pre ano bang nagyari sayo?
Pahabol naman ni Rol?

Pare, tinamaan ako ng lintik! Parang kidlat!
Sagot ko sa kanila.

Kanino pre? Dun sa math secretary?
Tanong ni Vin sa akin, sabay nguso sa babaeng tinutukoy nya.

Ngayon mga pre naniniwala na ako sa love at first sight!
Sambit ko sa kanilang dalawa.

Sige loverboy mangarap kapa! Pero bago ang lahat ay akin na yang attendance notebook at ng makapirma rin ako! Sabay agaw ni Vin sa notebook na kanina ko pang hawak.

Oy! eh hindi kapa nakakapirma dito ah?
Sambit ni Vin.

Hala!

Talagang napraning na yata talaga ako sa math secretary namin, biruin mo eh kanina ko pa hawak ang attendance notebook eh di parin pala ako nakaka pirma dun.

Ako ang huling pipirma para ko ang magsosoli!
Palusot ko naman agad sa kanya.

Naks talaga! Sige goodluck na lang!
Sagot ni Vin.

Kaya naman tiniyak ko na ako nga ang huling hahawak ng notebook na iyon para ako nga ang makapagsoli nun sa kanya atsaka siyempre para makapirma ako ng attendance kasi nga hindi ko nagawa kanina.

So ganun nga, ng matapos pumirma yung nasa pinaka dulo ay ako na ang lumapit sa classmate naming iyon para kunin ang attendance notebook. Sakto pa nga’t tatayo na sana siya para isoli ang attendance notebook ng pigilan ko agad siya...

Classmate! Teka!
Di pa ako nakakapirma dyan!

Tapos lapit agad sa kanya para kunin ang attendance notebook. Bago pa man ako pumirma ay tinignan at binasa ko na muna iyong pangalan na pinakaunang nakasulat dun, siyempre sino pa ba ang unang pipirma sa attendance notebook kundi yung may-ari nun! At sino ang may-ari? Siyempre ang aming math secretary!

“RUBY MATAPAT”

Yan ang pangalan na nakasulat.

Mukang alanganin yata para sa kagandahan nya ang pangalan nya ah? Di bale na, basta para sa akin ayos na yun. Ang importante ay alam ko na ang pangalan nya.

Pero di ko alam na medyo napalakas pala yung pagsasalita ko ng pigilin ko yung classmate ko na magsosoli sana nung attendance notebook namin. Narinig at nakita pala ako ng teacher namin sa second subject, eh masungit pala! Hayun! Kinuha sa akin ang attendance notebook.

Hindi na nga ako nakapirma ng attendance, pinatayo pa ako sa tabi ng trash can!

Kainis!….
Kapag minamalas ka nga naman!

Sabi nga sa kasabihan: “WHEN IT RAINS! IT POURS!”…

Kaya lang lasma ang pumatak sa akin kaya eto binagyo na yata ako!

Hayun hanggang tingin na lang ako habang kinukuha ng crush ko yung attendance notebook sa teacher naming masungit!

Pero laking galak ko ng lumingon siya sa akin at sabay ngiti!

Hayyyy…. Tanggal ang lahat ng problema ko dun ah!

Ewan ko kung yun ba ay ngiti ng pagbati o baka naman natatawa lang siya dahil sa nangyari sa akin. Eh basta! Wala na akong pakialam dun! Ang mahalaga nginitian nya ako!

Kung ganyan ba naman lagi eh kahit na araw-araw pa akong patayuin ng masungit kong teacher eh ayos lang sa akin.

Ng malapit ng matapos ang second subject namin ay tinablan na rin yata ng awa ang teacher ko at inutusan na kong umupo.

“Okay Mr. Rosario, you can take your seat now!”
Sabi nyang ganun tapos ay tumayo na rin siya inayos ang gamit at…

“Class, I’ll see you tomorrow…”

Goodbye Maam… Sabi naman ng mga classmates ko.
Hinilot-hilot ko muna ang mga hita at binti ko bago ako tuluyang umalis sa kinatatayuan ko. Siyempre pa ay dun ako dumaan sa harapan para sa isa pang pagkakataon na masulyapan siya.

Naiisip ko pa rin ang mga matatamis na ngiti nya sa akin habang papalapit ako sa kanya.

Hay… Ruby Matapat…

Sana balang araw maging tayo! Kahit hindi na kita makatuluyan sa altar, maging girlfriend lang kita, kahit isang araw lang okay na sa akin yun. Masaya na ko dun. Eh ngiti mo pa lang nga solve na ako, yun pa kayang maging girlfriend kita! Eh para na akong nanalo ng jackpot sa lotto nun ah!

So dumaan nga ako sa harapan nya na ready para gantihan siya ng isa ring ngiti kaya lang mukang hindi nya yata ako napansin kasi ni hindi man lang siya natinag sa pagsusulat nya ng lecture. Baka nga kasi busy lang siya sa pagsusulat kaya ganun.

Wala eh, kaya diretso na lang ako sa upuan ko para mangulit este para magtanong tanong kung ano ang isinulat nila sabay siyempre paghiram narin ng lectrure  notebook para makapagsulat ako sa bahay.

Pre! Kamusta ang ambience dun?
Nangaasar na tanong ni Vin sa akin na may kasamang ngisi.

Syempre badtrip! Pero at least pre nakita nyo naman ha, nginitian nya ako diba?!
Sabay nguso ko sa crush ko.

Isang kanta naman ang isinagot ni Vin sa akin.

“Mangarap ka…”
“Mangarap ka…”

Di ako nagbibiro mga brod! Talagang nginitian nya ako!

Di ba Rol?
Tanong ko kay Rol.

Ha? Ah… eh… siguro?…
Nagaalangan na sagot ni Rol.

Naku naman tol bat di kapa sumakay?
Sagot ko sa kanya.

Natapos ang umagang iyon ng ganun-ganon na lang at paminsan minsan ay lumalakad ako sa harapan para lang masulyapan ang kagandahan kanya ay tinataglay. Dun kasi siya sa harapan nakaupo. 1st row at puro sila babae dun.

Ewan ko pero kahit nung nasa elementary pa lang ako ay para bang gustong-gusto ng mga babae na sa harapan o malapit sa harapan sila umupo kapag ang klase ay walang seating arrangement, nagtataka lang ako, ito kaya ay para mapatunayang mas masipag silang mag-aral kesa sa aming mga lalake na ang paborito namang pwesto ay ang likuran.

Pero parang mali yata ang pwesto nya kasi malapit sila sa blackboard kaya sagap nya ang lahat ng chalk dust. Masama pa naman sa kalusugan yun! Kawawa naman ang crush ko. Dapat dito na lang siya sa tabi ko.

Lunch break.

Dun kami ni Rol kumain sa carinderia ng tita niya. Ayos dito! Dos lang ang isang order ng kanin, ang ulam naman mura at masarap. Seven pesos lang ang jumbo hotdog, ang ulam hindi lalagpas sa kinse ang presyo at pwede ring kalahating order lang, POP Cola kwatro lang! Solve!

Habang nainom kami ng POP ay binanggit ko kay Rol ang tungkol sa crush ko.
Tol! Ang ganda nung secretary natin sa Math!

Pre! Crush ko siya.
Bigkas ko sa kanya.

Tumahimik muna siya ng mga isang minuto tapos ay inubos ang natitirang POP nya tapos ay sinabi nyang…

Namo Nold!
Crush ko rin nung elementary yun!

Itutuloy...

<<< Episode 1                                                                                                      Episode 3 >>>
Hyper Smash