Gaya-gaya, puto maya, wag naman po sana...

Mula po sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat po sa inyong pagbisita sa Walang Title! ang Title ng Blog na ito! (WTaTnBni).

Sana po ay magustuhan ninyo ang mga mababasa ninyo dito.

Maari po kayong mag subscribe sa mga Social Media Pages nito gaya ng Google+, Facebook at Twitter upang maging updated kayo sa kahit ano mang mangyayari sa blog na ito.

Pwede po rin nyong i-share sa kahit saang Social Media ang buong blog or ang mga post dito.

Mas maraming share, mas masaya!

Konting favor lang po sana, kung inyo po sanang mararapatin, hinihiling kong sana ay wag ninyong piratahin ang mga post, yun bang copy paste (gaya-gaya, puto maya) ng walang pakundangan, walang pasubali at pagkatapos ay aangkinin bilang kaniyang orihinal na gawa, Piracy po or Infringement ang tawag dun.

Kahit po naman papaano ay pinaghirapan ko rin naman ang nilalaman nito, kaya naman nais ko itong protektahan.

Pero kung sadyang nagustuhan ninyo yung laman ng isang certain post like isang sentence or yung sinabi ng bida/character or kahit na anong andun sa post na iyon gaya ng photo or picture or kahit pa mismo yung buong post at gusto nyong i-quote, i-re-post sa blog nyo o isalin sa kahit na anong dialect or language, ehdi gamitin nyo po basta po may mention sa blog na ito or yung bang tinatawag nila na backlink, link-back, track-back, etc... eh okay sa akin yun, at kung sa inyo pong mga Social Pages ilalagay, mas maganda kung gagamitin ninyo yung mga Social Media sharing flatforms or buttons na andito. 

Hindi naman po talaga ako madamot eh.

Itinuturing ko po na ang nasususulat sa page na ito ay aking Abiso ng Karapatang Magpalathala (Copyright Notice).

Muli ay maraming salamat po.


© Walang Title! ang Title! ng Blog na ito! (WTaTnBni)
Hyper Smash