Kamukha ba?...

Paunawa.

Ang inspirasyon ko po sa mga istorya or post na inyong mababasa  sa Walang Title! ang Title ng Blog na ito! (WTaTnBni) ay halos hango sa aking pang araw araw na buhay.

Maari pong ang mga pangalan, sitwasyon o alin pa mang mga bagay bagay ay maging may pagkakahalintulad sa aking nakakasalamuha, ngunit sa abot po ng aking makakaya, ay pinilit or pipilitin ko na maging iba ang mga ito sa mga aktuwal na indibidwal, sitwasyon o alin pa mang mga bagay bagay kung saan ibinase ang mga iyon.

Maaring sabihin ang istorya na inyong mababasa ay half truth and half fiction.

Gets?

Example: Gwapo ang author! half truth po iyan at half fiction. Kasi sabi ng parents ko gwapo daw ako so siguro naman totoo iyon, pero sabi rin ng iba ay nangangarap lang daw ako na gwapo ako kaya fiction lang din! Diba?

Kung sakali naman po na ang istoryang nabasa nyo dito ay talagang eksaktong eksakto sa istorya ng buhay nyo or ng sino mang kakilala nyo eh aba! sikat na po kayo or sila!

Pero seriously, Ang anumang pagkakahawig sa tunay na tao, buhay or patay, at ang mga iba pang pangalan gaya ng sa mga establisimento, produkto at iba pa ay puros hindi sinasadya.

Atsaka nga po pala...


Lahat po ng comment ay okay at katanggap tanggap sa akin, ngunit maari din naman pong hindi ito maging katanggap tanggap sa iba kaya't pasubali ngunit wala po akong magiging pananagutan sa magiging comments ng mga readers, ngunit kung talagang bothered kayo at di na makatulog or makakain dahil dun sa isa or mga komento na nabasa ninyo ay pwede ninyo naman itong sabihin or i-petisyon or i-flag sa akin (mas maganda kung yayain nyo ang mga kaibigan ninyo na suportahan ang petisyon niyo) at gagawan natin ng paraan para sa ikatatahimik ng sansinukob...

Itinuturing ko pong aking Pagtatatuwa (Disclaimer) ang post na ito.
Hyper Smash