I need to make my own Blog!
But what would be its title?
Hmmmm...
Yan po ang sinabi ko sa sarili ko ng mag decide ako na gumawa ng sarili kong blog para mai-share ang natatago kong interest sa larangan ng panulatan.
Aaminin ko po sa inyo, isa akong frustrated na writer, at wala po akong formal training so pasintabi po sa mga professional dyan kung paminsan-minsan or mas madalas or baka halos lahat ng mababasa niyo dito grammar ay ang mali, wrong speeling, hindi ma-gets, or the worse ever na nabasa niyo sa tanang buhay niyo. Ayon nga po sa kataga ay "Nobody is Perfect" naman daw po diba, puwera na lang kung ang pangalan mo ay Perfecto Majusay o kaya ay Nobody...
Kanya-kanyang trip lang daw yan!
Pero uunahan ko na kayo, hindi po ako nagtitrip lang, gusto ko talagang ipahiwatig ang mga nilalaman ng isipan ko sa malayang pamamaraan, swerte nga natin ngayon dahil may ganito na, samantalang nuon eh walang ganito.
Sa maniwala po kayo o hinde eh matagal ko rin pinagisispan ang title ng blog na ito, eh kaso nga wala talaga akong maisip na aakma or babagay na titulo sa nais kong gawin kaya ayan ang title nito! Wala! Pero meron naman talagang title... Yun nga lang Walang Title! ang Title ng Blog na ito! (WTaTnBni).
Naguguluhan naba kayo?
Actually ako din po eh, minsan ako mismo nagugulumihanan sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko ay hindi ko talaga alam kung bakit?
Parang mas lalo yatang gumulo ang introduction ng Walang Title! ang Title ng Blog na ito!, medyo afraid tuloy ako na baka walang magbasa nito...
Magulo ba?
Wala naman po yatang utak or isipan na hindi magulo, kaya nga pilit inaalam ng mga scientist ang mga tanong sa mga bagay bagay, may katuturan man or wala, kasi minsan yung mga bagay na sa ngayon ay wala, bukas meron na yan, malay ba natin, kapag medyo tumagal eh makaisip na rin ako ng title sa walang title kong blog.
Dati na po akong may blog, G-Blog pa po iyon sa Globe Mobile back in my colleges days gamit lamang ang Nokia 3210i hanggang sa nagpalit ako ng phone (Nokia 7210i) eh kaso nawala yung cellphone ko kasama pa simcard kaya ayun, di ko na naasikaso hanggang tuluyan ng na deactivate at nawala ang account, tapos sinubukan ko ituloy ang pagsusulat sa friendster eh nawala na ang Friendster (bale di pala nawala, nareformat lang, puros game na, kaya ayun, binitiwan ko na, bale… wala din!) tapos nyan may nakita akong app sa Facebook na Blog, ginawa ko din dun, medyo naka-ilang post din ako, tapos biglang di na gumagana, pinabayaan na yata ng developer kaya wala din nangyari, dito naman siguro di na mawawala ito, pwera na lang kung hindi na gawing libre itong Blogger ng Google.
Well, anyways, I'm hoping for the best sa blog kong ito, yun lang naman kasi ang magagawa ko sa ngayon, ang mangarap.
Sige po baka ma-bored na kayo sa intro at di na sipagin tignan pa ang kabuuan ng blog na ito, ngayon pa lamang ay pinasasalamatan na kita sa pag-aaksaya mo ng oras sa pagbabasa ng intro, salamat pong muli kung minsan ay bibisitahin niyo lagi ang blog kong walang title, mas maraming salamat kung i-share ninyo sa iba, i-like, i-+1 at i-follow at mas higit sa maraming salamat sa mga makaka-unawa.
Maari din po ninyong ipahayag or isulat ang inyong sariling Komento, Punto, Opinyon at Kuro-kuro tungkol sa Walang Title! ang Title ng Blog na ito! (WTaTnBni) gamit ang mga websites na may ganitong uri ng serbisyo tulad ng My Web of Trust (WOT) at Webutation.Net. Pwede rin po sa inyong Blog or sa Blog na kayo ay nabibilang (Community Blog) at iba pang anyo ng New Media at mga Social Sites.
Maari din po ninyong ipahayag or isulat ang inyong sariling Komento, Punto, Opinyon at Kuro-kuro tungkol sa Walang Title! ang Title ng Blog na ito! (WTaTnBni) gamit ang mga websites na may ganitong uri ng serbisyo tulad ng My Web of Trust (WOT) at Webutation.Net. Pwede rin po sa inyong Blog or sa Blog na kayo ay nabibilang (Community Blog) at iba pang anyo ng New Media at mga Social Sites.
Oo nga po pala! May day job din nga po pala ako at iba pang pinagagagawa sa buhay ko gaya ng matulog, kumain, matulog, kumain (teka… pare-pareho lang yata ah! Ay! meron pa palang iba!) matulog, gumising, kumain, maghubad, magbawas, maligo, magpatuyo ng katawan gamit ang tuwalya, magbihis, gawin ang day job, mag petiks sa day job, mag check ng FB sa day job, mag check ng kung anu-ano pa sa internet during the day job (putris! sana di to mabasa ng manager ko!), umuwi sa bahay, gumala kasama ang tropa, mag FB sa bahay, manuod ng mga Anime, manuod ng iba pang TV Programs, manuod ng mga Movies, magbasa ng mga Manga, at marami pang ibang napakaimportanteng mga bagay bagay kaya pasensiya na rin kung di magiging masyadong active ang interaksyon natin, pero I will see to it na i-accomodate lahat ng readers, commentators, critics at pati stalkers (Naks! stalkers daw! feeling pogi!) at haters.
At sa huli, may pangalan po ang author (ehem!) pero hindi po ehem ang pangalan ko.