Monday, November 18, 2013

The Math Secretary - 3rd Episode

Nakaraan…

Buong galak na ikinukuwento ni Nold kay Rol ang kaniyang paghanga sa kanilang Math Secretary habang sila ay nagtatanghalian.

Binanggit niya sa kaibigan na crush niya ang classmate nilang iyon nang walang kung ano-ano ay ipinahiwatig rin ni Rol kay Nold na ang classmate nilang iyon, ang kanilang Math Secretary ay crush din niya nung nasa elementary pa lamang ito!

Pagpapatuloy…


Medyo nabigla din ako sa sinabing iyon ni Rol kaya napatahimik din ako.

Ilang minuto rin kaming walang kibuan habang inuubos ang aming iniinom.

Bago ko pa man maubos ang POP ko ay ako na ang naunang bumasag ng katahaimikan sa aming dalawa.

Sige tol…
Iba na lang!
Banggit ko sa kanya.

Iba na lang ang liligawan ko. Eh ayoko naman na maging magkaribal pa tayo. Eh matagal na tayong magkatropa, ngayon pa ba naman tayo magsasapawan?

Inubos din muna ni Rol ang POP nya bago siya sumagot.

Hindi na tol!
Sayo na yun!
Sabi nya sabay ligpit ng pinagkainan namin.

Hindi bro!
Iba na nga lang ang liligawan ko eh!
Sabi ko naman sa kanya.
Sabay baba ng boteng hawak ko sa lamesa na medyo napalakas pa yata.

Umalis siya upang dalhin ang aming pinagkainan sa loob ng kusina ng carienderia ng walang iniwang salita sa akin.

Makalipas ang ilang saglit ay sabay kaming bumalik sa classroom pero wala pa rin kaming imikan hanggang sa makaupo kami sa pwesto namin.

Putris!
Sa isip isip ko…

Bakit pa si Rol pa ang magiging karibal ko? Sa dinami-dami ba naman eh bakit si Rol pa? Sayang naman ang pagiging magtropa namin kung mauuwi lang sa away ng dahil sa babae.

Napukaw ang aking pagmumuni-muni nag dumating si Vin.

Mga tolz!…
Bakit naman ang tahimik nyo dyan?
Siguro masarap ang lunch nyo kaya inaantok kayo?

Ang ingay mo talaga!
Sabi ko sa kanya.

Pahiramin mo na lang ako ng lecture natin kanina at ng may mailaman ako dito sa bago kong notebook.

Wag na lang kaya pre? Sayang naman ang bago mong notebook, maluluma agad yan!
Sabi naman ni Vin sa akin habang pabirong binawi ang notebook nya sa akin.

Pre kaya nga binili ang notebook para sulatan.
Sagot ko naman sa kanya sabay agaw ulit ng notebook nya.

Habang kinokopya ko ang laman ng notebook ni Vin ay pinapakiramdaman ko ang lagay ng ni Rol.
Tahimik pa rin siya.

Siguro ay pareho kami ng iniisip?

Pareho naming ayaw masira ang pagkakaibigan namin, ang samahan pinaghirapan, ang tropa namin.

Ang mahirap nyan ay pareho kaming handang magsakripisyo para sa ikabubuti at ikaliligaya ng isat-isa.

Ako, willing na iba na lang ang ligawan.

Siya naman, willing na ako na lang ang manligaw dun sa crush namin.

Isang napakahirap na sitwasyon nito!

Sala sa init!
Sala sa lamig!

Brod bat di kayo nagpapansinan?
Tanong ni Vin kay Rol sabay nguso sa akin.

Wala tol nagtatampo lang yan kasi natalo sa pustahan namin kanina na pabilisan uminom ng POP Cola kaya ayun siya ang nagbayad nung ininom ko. Palusot na sabat ko kay Vin.

Tango naman ang itinugon ni Rol kay Vin bilang pagsakay sa sinabi kong iyon.

Ayaw rin nya siguro na mabuko ang montik na naming pagtatalo ng dahil sa iisa naming crush.

Habang nagsusulat naman ako ay di ko pa rin magawang iwasan ang paminsan minsan ay sumulyap sa crush ko. Kahit nakatalikod naman siya sa akin dahil nga sa unahang row siya nakaupo, sa palagay ko ay the best pa rin si Miss Math Secretary. Pero, kung dati ay heaven ang feeling dahil sa fantasy ko na girlfriend ko siya or ka-date sa isang romantic na setting, ngayon eh panghihinayang na ang nararamdamn ko kasi nga ay dapat ko ng ihinto at tuluyang tuldukan ang mga balak kong pagsuyo sa kanya upang di masira ang aming tropa.

Hanggang pangarap na lang talaga ako!

Kinabukasan, nasa jeep pa lang ako papasok sa school ay iniisip ko na kung sino sa mga classmate ko ang pwede kong ligawan upang tuluyan nang maalis ang kagustuhan kong maging girlfriend ang totoong crush ko. Upang tuluyan ko ng makalimutan ang crush kong si Ruby.

Pagdating ko sa classroom ay si Ruby agad ang nakita ko pero pinilit kong iwaksi ang paningin ko sa iba. Sa paghahanap ko ay ko ay napatingin ako dun sa katabi nya.

Pangkaraniwan lamang ang dating niya, simple lang, maganda din pero walang sinabi sa ganda ng totoong crush ko.

Nabuo ang plano!
Siya na lang! sabi ko sa sarili ko.

Sabay diretso pasok ako sa sa classroom habang malagkit na tinititigan ko ang bago kong prospect. Pero di rin siya tumitingin kaya walang eye contact na nangyari. Iyon pa naman ang pinakaimportante sa panliligaw.

Wala pa ang teacher namin kaya naman nangulit muna este nagtanong - tanong muna ako tungkol sa classmate namin na iyon.

Ewan ba kung bakit, pero walang nakakakilala sa kanya. Malamang transferee siya kaya di siya kilala ng mga classmates ko. Ilan lang naman ang sections dito sa amin eh. Imposibleng walang nakakakilala sa kanya kaya malamang ay transferee nga siya.

Pahirapan na naman ito!
Sa isip isip ko.

Di na pwede ang attendance notebook technique kasi baka mapatayo nanaman ako sa tabi ng basuharan.

Good Morning Maam!…
Sagot ng lahat ng pumasok ang teacher namin.

Ang teacher namin na dumating ay ang teacher namin sa second subject dahil hindi pumasok ang teacher namin sa Math.

Good Morning Class!
You may all take your seat!.
Sagot naman ng teacher namin.

Thank you maam…
Sagot naman namin sa kanya sabay upo.

Kagaya ng usual na style ng teacher sa public high school:
Class! Pass your assignments!

Nakupo!
Nadala ko ba ang assignment ko?
Hanap agad ako sa loob ng bag ko…
Whew!…
Buti na lang at dala ko!

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nangongolekta nang assignments namin.

Aba! Yung bago kong prospect ito ah!

Habang papalapit siya sa kinauupuan ko ay kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Nagtatalo ang aking kunsensya, puso, at isipan dahil medyo naiilang ako na ituloy ang gagawin kong panliligaw sa babaeng ito dahil paarang lalabas lang na pinaglalaruan ko lang ang feelings nya. Saka baka hindi rin ako pumasa sa kanya, ehdi pahiya lang ako.

Eh teka, pano naman kung may pag-asa pala ako sa totoong crush ko, ituloy ko na lang kaya ang original plan ko na ligawan ang aming Math Secretary? Pero pano na si Rol, baka masira lang ang tropa namin?

GRRRR!…

Endless deliberation of “Ifs” and “What’s”.

Kainis!

Paralysis thru Analysis!

Yan ang term ko sa isang pangyayayi na kung saan sa kakaisip mo ng mga posibleng outcome ng gagawin mong desisyon ay hindi ka na makapag decide!

Hinayaan ko na lang muna na lumagpas ang pagkakataon na iyon para makipagkilala sa classmate kong iyon.

Pagkatapos makolekta ang mga assignment ay naglabas ng medyo makapal na Visual Aide ng teacher namin at isinabit iyon sa pako na nasa itaas ng blackboard na hanggang ngayon ay pinagtatakahan ko pa rin kung bakit ito ay kulay green.


Fast Fact!

Ang VISUAL AIDE po ay isang modernized version ng ancient scrolls. Karaniwan gawa ito sa isang manila paper na nakadikit or nakaipit sa kahoy sa isang side nito, may tali ito para maisabit sa pako na nakatusok sa itaas ng blackboard.

Ito ay ang isa sa paboritong ipagawa bilang project ng mga public school teacher sa mga estudyante nilang maraming absent. Karaniwang isang buong topic mula sa textbook or workbook ang pinapagawa nila.

Nung highshool pa po ako (this is the author sharing to you my experience on this matter), tatlo na ang nagawa ko nito nung first year pa lang ako at ayoko ng gumawa ulit kaya di ko pinalalampas sa sampu ang absent ko.

Sa palagay ko, naimbento ito dahil sa kakulangan ng budget ng gobyerno para sa mga public school! Este dahil magaling pala gumawa ng paraan ang mga pinoy na teacher.

Back to the story!


Sabi ng teacher namin:
Class this is our lecture for today! Copy this!

Yes… Maam…
Sagot naman namin habang ang iba ay bumubuntong hininga dahil sa nakitang kapal ng visual aide. Isa na ako duon.

Dahil nga siguro sa kapal ng visual aide na iyon ay tinamad na ang iba sa pagkopya at nakipag daldalan na lang sa mga katabi nila.

Medyo maingay na!

Class!
Medyo malakas ang boses ni maam.

Get a ¼ sheet of pad paper and we will have a short quiz!

Patay na! nainis na si maam!
Wala kaming nagawa sa desisyon nya, mabuti na lang at medyo madali lang ang 20 items na short quiz namin.

Exchange papers para sa pag che-check ng quiz…

Bigla ay pumasok sa isisp ko na ito na ang pagkakataon para malaman ko ang pangalan ng classmate na bago kong prospect!

Itutuloy ko na ang bagong plan!

Bahala na si batman!

Tiyak na ang papel na chechekan ng totoo kong crush ay ang sa katabi nya na walang iba kundi ang bago kong prospect.

Kaya naman tumayo ako at pumunta sa pwesto nila upang silipin ang panagalan na nakasulat sa papel na hawak ni totoong crush ko.

AHA!

Si “Josie Lynn Orfil” ka pala ha!

Itutuloy...

<<< Episode 2                                                                                                     Episode 4 >>>
Hyper Smash