Saturday, January 18, 2014

The Math Secretary - 4th Episode

Nakaraan…

Itinuloy ni Nold ang plano nya na iba na lang ang ligawan at tuluyan ng kalimutan ang tunay niyang crush, ang kanilang Math Secretary.

Napagpasyahan niyang ligawan ang katabi nito sa upuan, at upang mapabilis ang lahat, nagdesisyon siyang alamin ang pangalan nito. Sinamantala niya ang quiz nila, dahil nagpalitan ng papel, nilapitan niya ito, sinilip ang papel na nasa kamay ng kanilang Math Secretary sa pag-aakalang nakipagpalit na ito ng papel sa kaniyang katabi, ang katabi na ngayon ay ang bago niyang prospect.

At ng nabasa niya ang pangalan ay binati nya ito Aha! si “Josie Lynn Orfil” ka pala ha!...

Pagpapatuloy…


Nagulat ako ng lumingon siya at sabihin sa akin…

Hindi ako si Josie Lynn! Siya yun!
Sabay turo sa katabi niya.

Huh! Ang pagtataka ko sa sarili ko.

Sabay ngumiti naman sa akin ang katabi niya at sinabing…

Ako si Josie Lynn!
Ruby ang panagalan nitong katabi ko!

Nagtinginan ang dalawa, nag-ngitian atsaka nagpalitan ng papel.

Anak ng pating!
Hindi pa pala nagpapalitan ng papel ang dalawang ito!

Ibig sabihin itong crush namin pareho ni Rol ay si Josie Lynn at itong bago kong prospect ay si Ruby?

Teka ang gulo ah?

Pero dun sa attendance notebook sa math eh si Ruby ang unang nakapirma?


Mr. Rosario! Go back to your seat!
Sabi ng teacher namin sa akin!

Naguguluhan man sa pangyayari ay napilitan na akong bumalik sa upuan ko para di ako mapagalitan ng husto ng teacher namin kahit na gusto ko pa sanang kausapin pa ang dalawa para linawin ang lahat dahil parang napagtripan yata ako.

Pagkatapos ng checkan ng quiz ay siyempre pa ang usual na recording ng scores. Ito ang eksena na ayaw ng marami sa mga estudyante dahil malalaman ng lahat ang score na nakuha mo at siyempre kung bagsak ka o  bokya, nakakahiya na malaman yun ng buong klase.

Iba-ba ang tono na maririnig mo kapag nagumpisa ng tawagin ang mga pangalan para sa scores. May nahihiya, nagmamayabang, humble, wala lang, pero ang nakaka-asar ay iyong kapag tatlong beses ng tinatawag ng teacher ang panaglan mo ay wala pang bumabanggit ng score mo kasi natutulog o nangangarap yung may hawak ng papel mo, ung iba naman halos ipagsigawan ang iscore bilang pagmamalaki o pang-aasar.

Arnold Rosario!
Sambit ng teacher ko.

15 maam!
Sagot naman ni Vin.

Rolando Salanyo!

Maam 15!
Sagot naman ng katabi ni Rol na may hawak ng papel nya.

Vince Alrañas!

15 po!
Sagot ko naman dahil ako ang may hawak ng papel nya.

Nakakapagtaka paba? Parepareho talaga lagi ang score naming tatlo. Wag na kayong magtaka, ganun talaga kasi iisa lang ang isipan naming tatlo! Hehehe!…

Pagkatapos ng recording ng scores ay lumabas na ang teacher namin, at kaagad ko namang pinuntahan ang dalawang babae na pakiramdam ko ay nagtrip sa akin upang kausapin at linawin ang lahat.

Ah! Eh! Excuse me mga classmates…
Sino ba talaga sa inyo si Josie Lynn Orfil?

Ako nga! Sambit ng totoong crush ko!

Siya naman si Ruby… Ruby Matapat!, pahabol pa niya habang mistulang nanunuya pa sa pagkakangiti nya sa akin.

Eh bat ganun? Sagot ko sa kanya.
Dun sa attendace notebook natin sa math eh ang pangalan mo eh Ruby Matapat?
Ang patanong na sagot ko sa totoong crush ko.

Hindi ko nga name yun! Siguro naisip mo lang yun kasi ako ang Math secretary at Ruby Matapat ang unang name na nakasign duon. Pangalan po talaga nya yun! (sabay turo ulit sa katabi).

Siya ang pinauna ko na mag-sign dun at pagkatapos ay saka na lang ako nag-sign nung naka-sign na ang lahat.

Teka bakit mo ba itinatanong ang pangalan nitong katabi ko?
Tanong niya sa akin na may kasamang mapanuksong expression sa mukha niya na para bang pinapahiwatig na may malaki akong interes sa classmate namin na katabi niya.

Wala lang! Sagot ko naman.

Sus! Wala lang!… Siguro type mo siya ano? Siguro crush mo siya noh? Sambit niya sa akin.

Ikaw talaga tigilan mo nga yan!
Sabat naman ng classmate namin na katabi niya na parang nakapuna na sa panunuya sa kin ng aming Math Secretary.

Baka mamaya kung ano pa ang isipin niyan sa mga pinagsasabi mo diyan.
Pahabol pa niya.

Dumating na ang next teacher namin kaya naman bumalik na ako sa upuan ko habang nakita ko naman na parang medyo selos yata si Rol sa akin dahil nakita niya na nag-uusap kami ng totoong crush ko.

Tol mukhang dumidiskarte ka dun sa math secretary natin ah!
Tanong ni Vin sa akin pagkaupong-pagkaupo ko palang.

Hindi Bro!

Sagot ko naman agad sa kanya habang pinapakiramdaman ang tropa ko na si Rol kung nagselos ba talaga siya sa nangyari.

Sa ganda ba naman niyan hindi ka magkaka-crush? Eh alam ko yata kung ano ang type mo!
Sagot naman ni Vin.

Hindi nga sabi! Pagdidiin ko kay Vin.

Yung katabi! Yung katabi niya brod!..
Pahabol ko pa na may kasamang pagdidiin sa tono ng salita ko.

Weehh!?… Eh bakit si miss secretary ang kausap mo?
Tanong namang muli ni Vin sa akin.

Kasi ganito yun…
Saka ko inexplain sa kanya ng ganito.

Gusto ko kasi malaman yung name nung katabi niya (sabay turo sa katabi ng aming math secretary). Kaya naman lumapit ako kanina para tignan ang papel na hawak niya dahil tiyak na magkapalit sila ng papel dahil sila ang magkatabi diba…

Kaso!…

Hindi pa pala nagpapalitan ng papel yung dalawa kaya ayun ang pangalan na nabasa ko ay dun pala kay math secretary.

Tapos ay inexplain nga sa akin ni miss math secretary na hindi nga name nung katabi nya ang nabasa ko kundi ay sa kanya dahil hindi pa nga sila nagpapalitan ng papel.

O Tapos?
Tanong ni Vin.

Hindi agad ako naniwala dahil ang alam ko, ang pangalan ni miss secretary ay Ruby Matapat dahil yun ang unang name na nabasa ko dun sa attendace notebook natin sa math nung first day natin dito. Nung na-late tayo!

Eh ayun pala hindi pala siya ang unang nagsign dun sa attendance kundi yung katabi niya na si Ruby kaya yun ang nabasa kong name.

At kanina nga ay in-explain niya sa akin ang pangyayari na iyon, na ang tunay na name ng katabi nya ay Ruby Matapat at siya naman ay si Josie Lynn Orfil.

Wow pare!
Ang gulo mo?!…

Walang hiya ka! Hindi mo parin na-gets?
Sabi ko sa kanya.


*NOTE*

Para sa mga hindi parin maka-gets gaya ng character na si Vin sa kwentong ito!

Tunay na crush ni Nold = Math Secretary
Name ng Math Secretary = Josie Lynn Orfil
Name ng katabi ni Josie Lynn = Ruby Matapat
Ruby Matapat = ang sinasabi ni Nold na bagong prospect nya.

Nagkamali si Nold ng akala niya ay Ruby Matapat ang name ng crush niya dahil yun ang nabasa niya na unang nakasulat sa attendance notebook nila.

Nagkamali din siya ng akala niya ang name ng katabi ng crush niya ay Josie Lynn Orfil dahil yun ang nakasulat sa papel na hawak ng crush nya dahil di pa pala sila nagpapalit ng papel.

Malinaw naba?

One more time…

Si math secretary na siyang tunay na crush ni Nold ay si Josie Lynn Orfil

Si katabi ni Math secretary na bagong prospect nya ay si Ruby Matapat.

*BACK TO THE STORY*


Ah… okay na brod! basta ganito…

Si math secretary si Orfil, at si trip mo ay si Ruby!

Yun! Nakuha mo rin!
Sabi ko kay Vin.

Pero sa likod ng aking isipan ko ay medyo nangamba ako sa sitwasyon na nangyari sa akin.

Biruin mo ba naman talaga ang tadhana oh!

Na dahil sa nangyari ay inisip ni Vin na may crush ako kay Josie Lynn.

Tsk! Tsk! Tsk!
Muntik na akong mabuko!

Tapos ito namang si Josie Lynn iniisip pa yata na talagang may crush ako kay Ruby at tinutukso pa yata sa akin! Ang pagkakataon nga naman talaga oh!

At sa reaksyon naman nitong si Ruby sa panunukso ni Josie Lynn kanina ay mukha pa yatang?…

Ewan koba?!…

Haay naku kupido!
Bakit kami pa ang napaglaruan mo?

Si Rol at ako parehong may crush kay Josie Lynn.
Tapos pareho naman kaming nagpaparaya sa isat-isa.

Si Josie Lynn naman ang alam yata dun ako kay Ruby may crush.

Aba!
Parang telenovela itong nagyayayari na ito ah!

Natapos ang pakikipagdebate ko sa sarili ko ng marinig kong sabihin ng teacher ko na magkakaroon na ng permanent seating arrangements.

Kaya naman tayuan ang lahat ng medyo siyempre malungkot at may halong inis dahil siyemre may mga magkakahiwalay ng pwesto lalo na kung magkakalayo ang surname niyong magkakatropa.

Hanggang sa tinawag ang pangalan ko…
Rosario, Arnold!

Upo agad ako sa pwesto na itinuro ng teacher ko.
Tapos ay tinawag ang sumunod na pangalan...

Itutuloy...

<<< Episode 3                                                                                                     Episode 5 >>>

No comments :

Post a Comment

Hyper Smash