Thursday, February 27, 2014

The Math Secretary - 5th Episode

Nakaraan…

Kahit parang sa tingin nya ay napagtripan siya dahil sa maling akala niya at napagbaligtad niya ang pangalan ng tunay niyang crush sa kanyang sinasabing bagong prospect.

Naging malinaw rin ang lahat sa kanya na ang pangalan ng kanilang Math Secretary na siyang talagang crush niya ay Josie Lynn Orfil at katabi nito na siya ngayong pinagbabalingan niya ng atensiyon ay Ruby Matapat.

Pagpapatuloy…


Salanyo, Rolando!

Ayos magkatabi parin kami ni Rol!

Pero si Vin ay napunta sa may bandang unahan kasi ay “A” ang apelyido niya.

Walang problema kasi panandalian lang naman ito at malamang ay wala ring magagawa ang teacher namin kapag nagdesisyon na kaming mag kanya - kanya ulit ng pwesto. Malamang ilang buwan lang ito.


*Note*

Usually ay talagang naglalagay ng seating arrangement ang mga teacher sa unang buwan ng eskuwela. Ito ay para makilala mo ang iba mong mga kaklase at matuto ka on your own na makipag bond sa iba. It’s somewhat psychological social something daw. Pero hindi lahat ng teacher ay ginagawa ito. Ewan ko kung bakit.?

*Back to the story*


Class this will be our permanent seating arrangement every class!

Yeeesss… Maaammm!…

Para namang totoo! Sa isip-isip ko eh ilang linggo lang at babalik rin ang cheating este seating arrangement na gusto ng lahat.

Pagkatapos ng seating arrangements ay umalis na ang teacher namin sa subject naming iyon. At gaya nga ng inaasahan ay balik na sa dating mga puwesto ang lahat bago pa man dumating ang teacher namin sa sumunod na subject.

Brod pano ba yan eh mukhang magkakalayo tayo ah!
Sambit ni Vin.

Ikaw lang ang malalayo kasi magkasunod ang apelyido namin ni Rol!
Sabi ko naman sa kanya.

Saka wag mo ng isispin yan tol! Saglit lang naman ito! Pagkaraan ng ilang buwan ay babalik din ang lahat sa dati. Pasasaan ba at tayo pa rin ang magkakasama. Pahabol ko pa sa kanya.

Oo nga tol! Wait ka lang! Tiis-tiis lang ng konti!
Sambit naman ni Rol.

Masuwerte ka nga dyan tol eh! Eh puro chicks ang nakapalibot sayo dun sa pwesto mo ah! Tatlo lang kayo na lalaki dun sa row ninyo! Tapos puro na babae! At magaganda pa!
Pahabol ni Nold.

Yun lang ang lamang ko sa inyo! Hehehe…
Sagot ni Vin.

Pero mas masuwerte ka nga sa puwesto mo eh!
Biruin mo ba namang malapit sayo yung dalawang chick mo!
Pasunod ni Vin sa akin.

Sino?
Tanong ko sa kanya.

Si Ruby at si Josie Lynn!

Tol! Letter “M” si Ruby Matapat “O” naman si Josie Lynn Orfil kaya mas malapit si ng konti si Jo sa akin!

Atsaka isa pa eh hindi si Josie Lynn ang prospect ko…
Palusot ko kay Vin!

Weh!…
Talaga lang ha!
Sagot naman Vin.

Nagdaan pa ang ilang araw at  sinimulan ko na ang plano na ibaling na lang kay Ruby ang nararamdaman ko para kay Josie Lynn pero sadya yatang hindi rin ako uubra sa kanya dahil ewan ko ba kung bakit pero ang naging style ko sa kanya ay ang maging isang antipatiko!

Lagi ko siyang inaasar at tinutukso ng kung anu-ano kaya naman palaging sapok at sabunot ang inaabot ko sa kanya na medyo ikinatutuwa ko naman.


*NOTE*

Sa mga mambabasa: Huwag po sana ninyong isispin na masokista ang character natin na si Nold dahil lamang sa natutuwa siya kapag nakakatanggap siya ng sapok at sabunot mula sa isang babae. Masaya lang siya dahil umuubra ang ginagawa niya na pagpapapansin pero sa tutoo lang po ay ayaw niya ng violence.

PEACE!

*Back to the story*


Pero ang hindi alam ng lahat ay madalas na sinasabayan ni Nold si Ruby at nililibre ng kung ano-ano.

Mga streetfoods gaya ng mga sumusunod at samalamig…








Minsan sinasabayan nya ito sa pinakapaboritong subject ni Nold… Ang RECESS…

Nililibre rin nya ito ng pasahe sa tricycle or sa jeep tuwing sasabayan nya itong umuwi.

Ngunit ang di niya napapansin ay lagging nandoon din pala ang tunay niyang sinisinta..

Itutuloy...

<<< Episode 4                                                                                                     Episode 6 >>>

No comments :

Post a Comment

Hyper Smash