Nakaraan…
Dahil sa binitiwang salita at dahil ayaw ni Nold na
masira ang samahan ay pilit niyang ibinaling sa iba ang nararamdaman.
Ngunit sadya yatang iba kapag puso ang nagdidikta.
Pagpapatuloy…
Sa kabila ng lahat ay di rin maiwasan ni Nold ang pagpapapansin
kay Josie Lynn! Unconsciously ay ginagawa niya ito, siguro puso nya ang
nagdidikta sa katawan niya kaya ganun.
Gaya ng mga simpleng pagpapatawa dahil talaga namang gandang-ganda siya sa ngiti nito kaya laging gustong-gusto ni Nold na nakikita ang mga ngiti ni Josie Lynn.
Hanggang sa nagdaan pa ang ilang mga araw at wala ring nagyari
sa pagpapapansin ni Nold kay Ruby.
Nagtapos ang lahat ng minsang isang araw ay ibinida nya sa lahat
ang ginawa niyang panlilibre kay Ruby ng kung ano-ano ng di niya nalalaman na
andun pala sa likuran niya si Ruby.
Isang matinding sapok, sabunot at nasundan ng pagabato sa kanya
ng ilang halaga ng barya sabay sambit ng babayadan ko lahat ng ginastos mo!
Syet!
Sira ang plano!
Pano na ito ngayon?
Hindi tuwa’t galak ang naramdaman nya sa nagyari ngayon kundi
hiya at pagaalala lalo ng makita nya na medyo mangiyak-ngiyak yata si Ruby sa
nangyari, marahil ay umabot na sa sukdulan ang sakit na naidulot ng mga narinig
ng dilag.
Nakaramdam ng kirot si Nold sa dibdib nya sa di malamang dahilan
ay nasaktan yata siya sa nagyari.
Matapos nung araw na iyon ay dina pinapansin ni Ruby si Nold.
Kahit anong gawin niyang pagpapansin dito ay walang epekto.
Kahit anong gawin niyang pagpapansin dito ay walang epekto.
Sira na talaga ang plano!
Iyan ang nasabi ni Nold.
Pero marahil ay gusto na rin niya si Ruby kaya naman pinipilit
pa rin niya na magpapansin dito sa kahit na anong pamamaraan.
Huhupa din siguro ang inis niya sa akin…
Sa isip-isip ni Nold ay di rin magtatagal ay magkakabati rin
sila ni Ruby at babalik ang lahat sa dati.
Hangganag sa lumipas ang isang lingo…
Isang buwan…
Dalawa…
Hindi pa rin bumabalik sa dati ang lahat.
Isang araw ay di pumasok si Ruby na di pangkaraniwang nagyayari
kaya naman concern si Nold sa pangyayaring iyon.
Nababahala man ay inisip na lang niya na siguro ay papasok rin ito
bukas ngunit kinabukasan ay wala pa rin si Ruby, hanggang sa nalaman na lang ng
lahat na lumipat pala ito ng eskuwelahan.
Di malaman ni Nold ang gagawin, pero naiisip niya na mabuti na
rin ang nagyari kesa naman patuloy niyang lokohin ang sarili na si Ruby ang
dapat niyang mahalin kahit na si Josi Lynn naman talaga ang gusto niya at
parang di na rin naman mangyayari ang plano dahil talagang di na siya pinansin
ni Ruby.
Unti-unti ay parang lumilitaw at napapansin na rin ng karamihan
sa klase ang pagpapapansin niya kay Josie Lynn na hindi naman niya namamalayan
na ginagawa pala niya.
Hanggang sa isang araw ay nagbuo ng grupo ang teacher nila sa
MSEP
*FACT*
M-usika
S-ining
at
E-dukasyong
P-angkalusugan
*************
Nagkataon naman na naging magkagrupo si Nold at Josie Lynn
hiwalay kay Vin at Rol.
Okay class yan ang grouping natin, mag-start na kayong
magpractice ng aero-dance step ninyo. Bago mag ang ating periodical
test ay yan ang inyong practical exam.
Bigkas ng teacher namin.
Masaya si Nold sa nangyari at ngayon ay talagang halatang-halata
ang kasiyahan na nararamdaman nya dahil medyo may katagalan din
silang magkakasama ni Josie Lynn.
Ang hindi niya alam ay meron palang mata na kanina pang nakatingin
din sa kanya na minamasdan siya habang siya ay nangangarap sa mga pangyayaring
darating.
Mga mata na meron rin
palang nararamdaman pagtingin sa dilag na kinagigiliwan niya.
No comments :
Post a Comment