Nakaraan…
Simula
ngayon. Hindi ko napo sasabihin ang nakaraan…
Pagpapatuloy…
Sabado,
alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na agad si Nold dahil sa di siya
nakatulog sa buong magdamag…
Teka! Hindi
pa la siya gumising kasi nga hindi nga siya nakatulog!
Let me
correct that….
Sabado,
alas kwatro na ng umaga ay gising pa rin si Nold dahil hindi siya nakatulog
buong magdamag sa kasabikan na kanyang nararamdaman dahil iyon ang araw ng
usapan ng grupo nila sa MSEP para mag practice ng kanilang gagawin.
Mahigit
sa tatlong oras yata ang nagugol niya sa pagaayos sa sarili.
Kailangang
gwapo ako ngayon!
Sabi
niya sa sarili habang sinusuklay ang buhok.
Baseball
cap, Tank top shirt, khaki jeans, at white rubber shoes.
Yan ang
get-up ng ating bida ngayong araw na ito.
Pero
parang badboy Robin Padilla look yata ang gusto niyang gawin kaya lang wala
siyang leather jacket kaya para magmukhang astig ay kumuha siya ng round paper
fastener at tinupi ang mga paa nito. Mayamaya pa ay ikinabit niya ito sa
kaliwang tenga para gawing clip-on na hikaw.
Iyon na
yun!
Nagmukha
na siyang tanga!
Okay,
hindi na kailangan nito!Sambit niya sa sarili habang mabilis na kinalas ang
bagay na nagpamukhang engot sa kaniya sabay bulong sa sarili na: Dapat hindi ko
na lang hinayaan na magsara yung butas nitong kaliwang tenga ko nung butasan ko
ito nung grade six pa lang ako, ehdi sana astig ako ngayon!. Sayang…
Pagkatapos
tiyakin na may sapat na siyang kumpiyansa sa sarili ay umalis na siya ng bahay
upang pumunta sa lugar ng practice.
Pagdating
niya sa bahay ng classmate ay si Josie Lynn agad ang hinanap ng kanyang mga
mata pero subalit datapwat ay wala duon ang dilag?
Biancs…
Asan yung iba bakit tatlo lang tayo dito?
Hindi
ka pala nasabihan ano? Sambit ng classmate niyang si Bianca. Duon tayo sa bahay
ng isa pa nating ka member mag-prapractice ngayon. Aantayin lang natin sandali
si Mike.
Ah
ganun ba… Okay sige…
Mayamaya
pa ay dumating na raw si Mike at inaantay kami sa labas ng bahay nila Biancs,
lumabas kami at sabay sabay na nagpunta sa lugar ng practice.
Sa
bahay ng classmate nila na kapangalan ng dating president ng pilipinas ang venue
ng kanilang practice.
Pagdating
duon ay isa lang ulit ang unang ginawa ni Nor, at iyon ay ang igala ang mata sa
paligid ng bahay sa pagasang masulyapan agad ang kagandahan ng kanyang crush.
Ngunit ang classmate nilang si Ferds ang unang nakita niya.
O! Nold!
Bakit ka lingon ng lingon? Natatakot ka bas a nakikita mo diyan sa dingding
namin? Wag mo pansinin yang mga yan, wala naman ng laman na pulbura ang mga
iyan, tinanggal na ni papa.
Sa
pagtataka sa sinambit ni Ferds sa kanya ay tumingin siya sa dingding sa may
bandang itaas ng television. May mga nakabandera palang iba ibang kalibre ng
bala ng baril duon at ang isa pa yata ay sa kanyon dahil sa sukat nito. Hindi
ito napansin kanina ni Nold dahil iba ang hanap ng mga mata nya.
Ayos
ba? Tanong ni Ferds sa kanya.
Tumango
na lang si Nold sabay bulong ng Tol mamaya bigyan mo ako ha.
Sige!
Sagot ni Ferds sa kanya. Yung live amo ang ibibigay ko sa iyo, kukuha kita dun
sa amo box ni papa.
Ilang
saglit pa ay sunod sunod na ring dumating ang mga group member nila,
padalawa-dalawa, isa, tatlo, hanggang sa halos kumpleto na silang lahat pero
hindi parin dahil wala pa rin si Josie Lynn na pinakahihintay ni Nold.
Anak ng
pating wala pa si Jo! Sambit ni Nold sa sarili.
Ano
kaya ang nagyari dun? Sayang naman itong badboy look ko kung wala siya!
Halatang halata sa kanyang kilos ang pagkabalisa. Hindi na nya kaya pang
pigilan ang sarili, kailangang malaman nya kung bakit hindi pa dumadating si
Jo!
Kailangang
makapagtanong ako ng di nila nahahalata na ang pakay ko. sambit ni Nor sa
sarili. Kayat umusal siya sa lahat… Okay! Kumpleto na yata tayo magumpisa na
tayo. Sambit niya sa lahat.
Naisip
niyang baka may tumutol na magumpisa ang practice dahil wala pa si Jo at
marahil ay sa gitna ng pagtatanong ay may makapagsabi ng dahilan kung bakit
wala pa ang kanyang apple of the eye.
At
ganung ganun nga ang naggyari sa ginawa nya. Teka! Sambit ni Bianca. Di pa
pwede kulang pa tayo ng isa! Wala pa si Jo dito. Parang radar ang tenga ni Nold
sa pakikinig sa kapaligiran. One second, two second, three second, four, five,
six, seven, eight, nine, ten; pero wala paring naguusal kung kung saan man
naroon si Jo. Hanggang sa…
Ay! Oo
nga pala! Lingon ang lahat sa taong bumasag ng katahimikan.
Eh
nagpasabi nga pala siya kagabi nung msalubong ko siya sa may kanto, sabi niya
eh baka hindi daw siya makarating ngayon dahil umalis ang mama niya at siya ang
magbabantay sa bunso niyang kapatid. Pero kapag bumalik daw agad eh baka
humabol siya sa atin after lunch.
“BAKA
HUMABOL SIYA SA ATIN AFTER LUNCH”
Yan ang
tinuran ni Ferds sa kanilang lahat.
Medyo
na dismaya si Nold sa narinig pero sa kabila nito ay umasa na lamang siya na
sana ay makabalik nga agad ng maaga si mama este ang mama ni Jo para makahabol
si Jo sa kanilang practice.
Hay
naku lord… Sana naman makauwi agad si Mrs. Orfil para makasama ko kahit konti
lang si Josie Lynn ngayon. Munting dasal sa isipan ni Nold habang sumusulyap sa
may altar sa sala nila Ferds.
Naging
maayos naman ang practice nila ng umaga na iyon ng aerobics dance nila na
choreograph pa ni Binaca. Pinaghalo itong modern dance na ang basic movements
ay hango sa calisthenics, yun bang exercise na ginagawa pagkatapos ng flag
ceremony. Buti na lang at ganun lang kasimple ang steps kaya naman madali itong
nasusundan ng mga taong parehong kaliwa ang mga paa.
O! Nold!
Okay ka lang ba? Parang masama yata ang lagay mo ngayon ah? Eh parang matamlay
ka! May nararamdaman kaba? Ang sunod sunod na urirat ni Ferds kay Nold dahil sa
napuna nitong pagkabalisa sa kagrupo.
Kung
masama ang pakiramdam mo tol pwede ka ng umuwi! Sambit naman ni Mike na medyo
may pagdidiin pa sa pakakbigkas ng “PWEDE KA NG UMUWI!”…
Aba at parang
pinapauwi na yata ako ng Mike Lipohito na ito ah! Banggit ni Nold sa sarili.
Hindi
mga brod! Sabi nya… Okay lang ako! Pero… Ah eh Ferds! Saan bang C.R. nyo?
Tanong nito kay Ferds.
Bakit?
Tanong naman ni Ferds.
Wag mo
ng itanong sa akin, at hindi ko rin naman aaminin. Eh ano pa bang pwedeng gawin
sa C.R. kung hindi ka jijingle, maliligo, magsisipilyo, maghihilamos bukod dun
eh yun na nga kaya kung ayaw mong mamaho tayong lahat dito ay ituro mo na ang
C.R.
Yan ang
naisip na palusot ni Nold sa mausisang si Ferds.
Dyan sa
may kusina, dumiretso ka lang at andun kasi yun sa may papuntang likod ng
bahay! Sagot namn ni Ferds.
Yuckkkk!…
Sambit naman ng lahat.
Yuck
kayo dyan! Sino pa magya-yuck dyan isasama ko sa kubeta!pagbabanta ni Nold sa
lahat.
Habang
nakaupo sa trono ay iniisip ni Nold kung dumating na kaya ay mama ni Josie Lynn
sa bahay nila. Teka anong oras na ba? Sabay tingin siya sa coca cola wrist
watch nya na nakuha niyang free sa ilalim ng tansan kamakailan lang.
Malaking
kamay sa pagitan ng four at five, maliit na kamay sa pagitan ng five at six.
5:23
A.M.! Teka! Anak ng pating! Sira yata ito eh! Kaya pala tinatawanan ako ng
batang kaharap ko sa jeep kanina eh habang sadyang hinaharap ko sa kanya ang
coke watch ko na ito upang ipagmalaki tapos sira pala!
Tinuktok-tuktok
ni Nold ang relo sa pagbabakasakaling mabubuhay ito… Ano ba ito?... Tanong ni
Nold sa sarili.
Para pala
akong engot kanina dun sa batang kaharap ko sa jeep, mas maganda pa yung Mickey
Mouse Watch nya at gumagana! Sambit ni Nold sa isipan niya sabay buntong
hininga habang hinuhuban ang sirang wrist watch upang itago sa bulsa at ng wala
ng makapansin pa.
Sa
tantiya niya ay mga alas otso or alas nuebe pa lamang ng umaga ng mga sandaling
iyon mula sa anino ng grills ng bintana ng C.R. medyo natutunan niya ito mula
sa panunood ng sineskwela na pwede mong malaman ang oras sa pamamagitan ng
anino ng araw kailangan lamang ay alam mo kung nasaasn ang east at west tapos
ay titignan mo ang araw. Pwede kang magtusok ng stick at basahin ang direksyon
ng anino nito. Ang tanghaling tapat ang madaling malaman dahil bukod sa walang
anino kasi nasa mismong itaas nakatutok ang araw sa stick mo eh siyempre mararamdaman
mong magugutom ka at tutunog ang tiyan mo kaya di mo na kelangan ng siyensya,
common sense na lang!
Alam
din kaya iyon ng mga sina-unang tao? Mas madaling tantiyahin ang oras sa
pamamagitan ng tiyan. Hehehe!… Natatawang pagiisip ni Nold.
Maya-maya
pa ay nagpasya na siyang tumayo sa kinauupuan niya.
Naiisip
niyang i-flush din ito para kumpleto ang acting nya na kunwari ay nangubeta
siya pero sa totoo ay lumusot lamang siya.
Paglabas
ay diretso agad siya sa sala kung saan ay nagprapractice pa rin ang lahat ng
calisthenics dance nila.
Success!
Sambit niya ng medyo malakas habang hinihimas ang tiyan.
Bro
dang tagal mo ah! Ano ba yun lubid? 40 minutes ka yata duon! Sambit ng isa
niyang group member.
Sobra
ka namn dun tol! Anong 40 minutes? Hindi naman siguro. Sabay hagilap ang
paningin ni Nold kung nasaan ang relo sa bahay nila Ferds. Sa totoo lang ay
hindi rin masabi ni Nold kung gaano ba siya katagal dun sa loob ng C.R. dahil
sira nga ang relo nya at yung pwesto naman ng bintana ay mali pala kaya hindi
accurate yung anino ng grills.
Ini-scan
ni Nold ang dingding ng sa paghahanap ng wall clock. Nakita niya ito sa may
kanyang likuran. Nasa itaas pala ito ng walkway patungo sa kusina.
09:49
sabi ng digital na wall clock.
Aba!, Medyo
malapit rin pala sa estimate niya ang oras. Naiisp miya ito habang binabasa
ang apat na numero ng orasan.
Medyo
matagal pa ang aantayin niya bago ang lunch break sa pagasang hahabol nga itong
si Josie Lynn sa practice after lunch.
AFTER
LUNCH!
Pano
kung 3:00 P.M. na pala kung mag lunch sila Jo? Anak ng pating! Yan ang isa sa
mga ayaw na kataga ni Nold, and After Lunch! Kasi naman ay ang katwiran niya
bakit di pa magbanggit ng oras may mga nalalaman pang after lunch, pagkatapos
ng dinner, early in the morning. Eh time is different everywhere, it is in
random and does not have any universal standard. Yung relo ko nga eh huminto.
Ano ako suspended animation? Pangangatwiran nito sa sarili.
Pagkatapos
niyang mag self deliberate ay sumali na siya sa iba upang makahabol sa mga
steps nila.
Teka
lang! Ang bilis naman! Hindi ito ang step kanina ah! Sambit ni Nold sa iba
habang ang mga kamay ay nakalahad sa grupo sa paghingi ng explanation.
Eh
naiisp namin na medyo ibahin! Sambit ni Mike. Kasi naman nakakaantok yung step
at masyadong nagmumukhang exercise kaya naiispan kong medyo lagyan ng konting
jive.
Konting
jive? Masyadong mukhang exercise? Eh flip ka ba? Naiinis na tanong ni Nold kay
Mike. Exercise nga itong ginagawa antin eh! Modern Aerobics nga eh. Which
consist of basic calisthenics movements! Gets mo?
Oo nga
tol! Sabi naman ni Mike, pero dapat medyo baguhin natin para maging iba malay
mo makadagdag pa ito ng points sa atin? Atsaka pumayag naman yung choreographer
sabay tingin ni Mike kay Bianca.
Tumango
naman si Bianca sa kanya pagtingin ni Nold dito bilang pagsangayon nito sa
tinuran ni Mike.
Wala ng
nagawa si Nold kundi ang maghabol na lang at piliting maging kanan ang isa
niyang paa na parehong kaliwa upang makasabay sa galaw ng iba.
Wala
bang ibang kaliwa ang paa dito kundi ako lang? Tanong niya sa sarili habang minamasdan
niya ang mga ka member niya na nakakasabay sa mag steps na ngayon ay
nagmistulan na ngang street dance.
Teka
lang!... Sabi ni Mike para huminto ang lahat.
Ah…
Nold! Sa tingin ko dun ka na lang sa pinaka likod para hindi masyadong kita yung
mga mintis mo.
Wala
namang nagawa si Nold kundi ang sumunod na lang, ayaw rin naman kasi niyang
magmukhang kahiya hiya sa araw ng practicum nila daahil sa mga mali niya sa
steps.
Okay
again from the top! Sambit ni Bianca.
Tumugtog
ulit ang tape. (Hindi pa masyadong uso ang cd noon).
Ole…
Ole…
Ole!
Ole!
Ole…
Ole…
Ole!
Ole!
Feeling
HOT! HOT! HOT!
Feeling
HOT! HOT! HOT!
Sabi ng
Mexican sing and dance group sa tape na tumutugtog.
Ang
umpisa ng step ay nagsisimula sa modified na hip turn, imbes na nakahawak ka sa
balakang mo habang iniikot ito ay nakadipa ang mga ito at ang maga daliri ay
pumipitik pa sa pagsabay sa beat ng mga lyrics ng sing and dance group. Tapos
ay nakabukaka ka ng konti at nakayupi ng bahagya ang mag tuhod at gumigiling
ang baywang.
Ole…
Ole…
Ole!
Ole!
Giling
pakanan.
Ole…
Ole…
Ole!
Ole!
Giling
pakaliwa.
Feeling
HOT! HOT! HOT!
Feeling
HOT! HOT! HOT!
Jumping
jack naman ito na ang pagtalon ay ayon sa tiyempo ng bawat salita.
Aba medyo
ayos naman pala ito! Sambit ni Nold sa sarili habang nag si-synch-in na sa
kanya ang mga steps. Observant kasi siya kaya ginagaya nya lang ang nakikita
niya na ginagawa ng mga kamembers niya sa unahan and from there ay pagsasamahin
niya iyon sa imagination nya at i-si-simulate sa isip niya upang ipractice ang
steps tapos ay ayun na at medyo nakakasabay na siya.
Ganyan
na talaga si Nold mula pa nung bata pa siya. Mas madali niyang matutunan ang
isang bagay kung naoobserve niya ito. Visual Learner kasi siya. At medyo
imaginative. Kaya niyang mag simulate ng mga bagay bagay sa imagination nya at
from there ay nagagawa niyang magslow motion or fast forward ang mga bagay,
i-view from 360º angle, i-zoom-in at zoom-out. Ganyan siya ka-imaginative. Pero
hindi po siya genius or may topak sa ulo. Kakiba lang talaga ang mental skills
niya.
Pero
ang pinaka kaka-iba sa mental skills nya ang pagkakaroon ng photogenic memory…
Tama
ang narinig nyo! Photogenic memory, hindi Photographic!
Ang
Photographic kasi ay kapag natatandaan moa ng mga bagay na para bang litrato
nakapako sa isipan mo, itong sa kanya, Photogenic, kasi kapag maganda di na nya
nakakalimutan…
Maya
maya pa ay halos kuhang kuha na niya nag mga steps.
Okay
break muna tayo!
Sambit
nila Bianca at Mike.
Break?
Pagtataka
ni Nold.
Tinignan
nyang muli ang wall clock.
11:00
A.M.
Sige
mga tol, sabi ni Mike. Kita kita na lang tayo mamaya. Uwi muna ako para kumain.
Yun din
ang sinabi ng iba.
Tanghalian
na! Mayamaya, sana… Dumating si Jo… Yan ang tumatakbo sa isipan ni Nold habang
tinitignan ang pag-alis ng ilan sa mga classmates nya.
Sige
mga tol, sabi rin niya, kakain lang ako.
Bro
dito ka na kumain! Sabi ni Ferds sa kanya.
Dito
rin naman kakain yung iba, atsaka niya napansin na ang iba pala sa mga
classmates nya ay sa kusina nila Ferds ang tinutungo. Kaya naman napagisip-isip
niya na tanggapin ang alok ni Ferds at dun na rin magtanghalian.
Masaya
ang lahat sa harap ng hapag-kainan nila Ferds dahil sa sarap ng putahe na
inihanda ng ina ni Ferds na siya namang ibinibida niya sa lahat na ang kaniyang
ina ay ang pinakamasarap magluto s lahat.
Ewan ba
kung bakit pero sa totoo lang ay halos lahat yata ng mga anak ay iyan ang
sinasabi na ang kanilang ina ang pinakamasarap magluto sa buong mundo. Medyo
nakakalito dahil kung ang nanay mo ay ang pinakamasarap magluto sa lahat, at
ang nanay niya ay ang pinakamasarap magluto sa balat ng lupa, at ang nanay
naman ni ano ay ang pinakamasarap magluto sa buong mundo at yung kay ano naman
ay sa buong universe…
Aba! Eh
hindi kaya may conspiracy na nagyayari na hindi alam ng lahat ng mga anak na
ang kanila palang mga nanay ay may sikretong organisasyon kung saan ang
kanilang adhikatibo ay ang isipin ng lahat na ang kanilang ina ay masarap
magluto? Pero ang alam ko wala yan sa nanay ko.
Aba, ang
nanay ko yata ang pinakamasarap magluto sa lahat ng pinakamasarap magluto!
Basta
may pagmamahal ay sasarap ang lahat. Gaya na lang ng kung mahal mo ang trabaho
mo ay dadali ang lahat, kung mahal mo ang isang tao ay siya na ang
pinakamahalaga sayo, gaya na lang ng paghanga ni Arnold kay Josie Lynn.
Hindi
maialis sa mukha ni Nold ang pananabik sa bawat subo na ginagawa niya. Ang
bawat subo ay may halong mumunting hiling na kanina pa niyang sinasambit sa
isipan niya.
Habang
ang lahat ay nagpapasalamat sa grasya na handog ng diyos na may likha bago sila
magumpisang kumain ay pagsusumamo naman ang kanyang dinadasal na ang kahilingan
sana niya nawa ay tugunin na ang kanyang pananabik ay matuldukan na.
Ilang
saglit pa kaya ang hihintayin niya?
Ilang
minuto pa lamang ang lumilipas ay parang isang oras na para sa kaniya ang
nagdaan.
Di
yata’t ang oras ay napakatagal.
DUMATING
na sana siya…
DUMATING
NA sana siya…
DUMATING
NA SANA siya…
DU…
Dumingdong
ang gate…
Ding!
Dong! Dang!
Hudyat
ng alarma na naka kabit sa may pinto ng bahay nila Ferds.
Hudyat
na may dumating at nagaantay ito sa labas ng gate upang papsukin.
Ding!
Dong! Dang!
Tumayo
si Ferds para tignan at malamang ay papsukin ang nagpatunog ng alarma.
Para namang
naging isang giraffe si Nold sa pagtanaw sa labas ng bintana upang makita kung
ang dasal niya ay nadinig.
Hindi
niya ito masyado maaninag pero mula sa anino nito ay alam niya na isang babae
ang dumating!
Nanunuyo
ay lalamunan niya kayat lumagok siya ng tubig.
Pinatuloy
ni Ferds ang babae.
Pumasok
ito sa bahay.
Dumating
na…
Dumating
na si Imelda.
Imelda
ang pangalan ng ate ni Ferds.
Maniwala
man kayo or hindi eh magkapatid si Imelda at Ferdinand, matagal ng gustong
itanong ni Nold sa kaibigan niyang si Ferds ang bagay na iyan kung bakit iyon
ang ipinangalan ng magulang nila sa kanilang magkapatid at kung kamag-anak ba
nila ang dating president.
Malungkot
dahil hindi natupad ang hiling ay bumalik sa pagkain si Nold ngunit hindi
nawawala ang pag-asang darating ang dalagang kangyang pinanabikang makita pero
natapos na ang kanilang tanghalian ay wala pa ang dalaga.
Malugkot
na nagpapahinga sa sofa si Nold habang nagkukuwentuhan ang lahat, ang iba ay
nagprapraktis na na ng konti, tinuturuan ang bawat isa, inalok siya ng isang
classmate na tuturuan ng kaunti ngunit tumanggi siya.
Busog
pa ako eh, magpapahinga lang muna ako saglit…
Sambit
ni Nold sa classmate na nagbigay anyaya sa kaniya.
12:15
Iyan
ang oras sa wall clock ng kaniya itong tignan.
May
oras pa!
Sabi
niya sa sarili.
Maya
maya ay sumali na rin siya sa mga classmates na naguumpisa na sa pagpractice ng
kanilang mga steps at di nagtagal ay nagdatingan narin ang mga kaninang umuwi
sa kani-kanilang mga bahay upang mag-lunch.
Malikot
ang mata ni Nold na panay ang sulayap sa likod ng bawat dumadating at baka ang
kasunod kasi na papasok sa pinto ay si Josie Lynn na pala.
1:00
Dumating
na halos ang lahat.
Start
na tayo sabi ng isa.
Sige
medyo complete narin naman tayo kaya pwede na ito. Sagot ng isa pang ka member
ng grupo nila.
DING!
DONG! DANG!
Humudyat
ulit ang alarma ng gate.
Kahit
ang naisip niya ay maaring si Bianca lamang ito or isa sa tatlo pang classmate
na hindi pa dumadating ay para bang may nagsasabi sa kanya na “Ayan na siya!”
Ayan na
ang hiling mo!
Ayan
na!
Ang
puso niya ang bumubulong…
Pasok
na lang… nakabukas na yang gate!
Sagot
ni Ferds habang nakatanaw sa bintana.
Pasok
na Jo!
Pasok
na kayo...
No comments :
Post a Comment