Nakaraan…
“Past” in English…
Pagpapatuloy…
At sa wakas ay dumating na rin ang
pinakahihintay ng lahat.
Este ni Nold lang pala.
At sa wakas ay dumating na rin ang
pinakahihintay ni Nold.
Dumating na si Jo!
Dumating na si Jo!
Ngunit sa hindi malamang kadahilanan sa kanyang paningin ay para yatang biglang bumagal ang takbo ng panahon at ang bawat sandal ay mistulang napakatagal.
At ang mga pangyayari ay biglang nag
slow motion lahat.
Maging si Nold man ay di maintindihan
ang sarili.
Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib.
Nanunuyo ang kanyang lalamunan.
Nananabik siya.
Sa kanyang isipan ay sinasabi niyang
hindi dapat nya ito maramdaman.
OO! Maganda talaga si Jo! May crush ako
sa kanya pero paghanga lang yun!
Paghanga lang yun!
CRUSH LANG YUN!
Yan ang binabanggit ni Nold sa sarili
nya.
Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang
puso at isipan niya.
Alam niya na kapag nagpatuloy ang mga
nararamdaman niya para kay Jo ay tuluyang mahuhulog at mahuhulog ang loob niya
sa dilag.
Ngunit bakit ba sadyang mapaglaro ang
tadhana?
Sinubukan naman niyang ibaling sa iba
ang pagtingin…
Pero walang nagyari!
Pero walang nagyari!
At di nga lumanon ay muli nanaman siyang
inilalapit sa tukso ni kupido.
Eto at naging magkagrupo pa sila.
Habang ang kanyang isipan ay nagsasabing
dapat niyang pigilan ang kanyang nararamdaman, pabilis naman ng pabilis ang
pintig ng kanyang puso.
Muli ay tumingin si Nold sa may pinto.
Slow motion parin ang tingin niya sa
mundo.
Bakit ba? Ano ba ang dahilan at ganito
ang nararamdaman ko?
Tanong ni Nold sa sarili.
Crush lamang naman ito ah!
Muli ay inuulit niya sa kanyang isipan
ang inaakala niyang dahilan ng kanyang nararamdamang kakaibang pananabik sa
paparating na dilag.
At sa wakas ay pumasok na si Jo sa loob
ng bahay.
Hi!... Kamusta?... Pasensiya na at
ngayon lang ako.
Pabungad na pagbati ni Josie Lynn sa
lahat.
Hi… Ikaw naman... Okay lang yun!
Bati naman ng iba sa mga babaeng
miyembro ng grupo kay Jo.
Ngunit lahat ng pagbati ng iba ay di
naririnig ni Nold sa ngayon at boses lamang ni Jo ang naiintindihan niya.
Di nya maintindihan kung bakit sa
kanyang paningin ay para yatang lumulutang ang babaeng ito at sa likuran nito ay may
liwanag na sumasabog na pagkaganda.
Sa kanyang mga mata, mistulang anghel
ang tingin niya kay Jo.
Parang sasabog na ang damdamin niya.
Gusto niyang isigaw ang pangalan ng
dilag sa kanyang labis na kagalakan.
Ngunit parang naiipit o di kaya’y
umurong yata ang dila ni Nold dahil ni hindi siya makausal ng kahit na anong
salita.
Umuugong ang paligid…
Yan lang ang naririnig niya sa mga boses
ng iba.
Pero ang boses ng dilag na mistulang
anghel ay napakaliwanag sa kanyang pandinig. Napaka-inam nito sa kanyang tenga. Walang bahid ng
kahit na anong kapaitan.
Ang tenga naman ni Nold ay parang radar
lamang na nagaabsorb ng lahat ng mga namuutawi sa mga labi ni Jo.
Mistulang may inaantay siya na bigkasin
ni Jo.
Nanabik ang kanyang tenga.
Gusto niyang marinig na banggitin ng dilag ang kanyang pangalan.
Gusto niyang marinig ang napakatamis na
tinig nito at batiin din siya.
Hi Jo, kamusta, okay ka lang ba? Kumain
ka na ba? Gusto mo ba ng maiinom? Baka napapagod ka? Maupo ka muna…
Lahat ng iyan ay ang mga gusto niyang sabihin sa dalaga ngunit hanggang ngayon ay speechless pa rin siya.
Lahat ng iyan ay ang mga gusto niyang sabihin sa dalaga ngunit hanggang ngayon ay speechless pa rin siya.
Anak ng pating!
Torpedo!
Yan po ang nangyayari kay Nold ngayon.
Sa sobrang paghanga sa taong nasa
presensiya niya ngayon ay naiimbalido ang isa mga mga senses ng katawan at ang
sa kanya nga ay ang pananalita.
At ng walang anu ano ay ibinaling ni Jo
ang paningin sa kanya.
Dugudugudugudug!...
Ang kaninang mabilis ng tibok ng kanyang
puso ay mas lalo pang bumilis.
Dugudugudugudugudugudugudugudugudugudug!...
Lalo pa mas bumilis ng mas mahigit pa sa
mas mabilis ng Makita niyang nakangiti ang dilag sa kanya habang ito ay
nakalingon sa kanya.
Kabisado mo na ba yung steps?
Baka puros sablay ka naman mamaya!
No comments :
Post a Comment