Monday, August 12, 2013

Ang istoryang ito ay pinamagatang...

Bilang unang pakana, itutuloy ko po dito yung story na sinusulat ko about this high school student sa dati kong mga blogs.

Sa mga nakabasa na nito sa dati kong blogs, please NO SPOILERS, para ma-excite ang readers, saka baka medyo baguhin ko ng konting konti ang storyline para mas lalong maging maayos. Gaya ng ilang mga pangalan ng mga characters.

Ang istorya po na ito ay pinamagatang...

"The Math Secretary!

Akala nyo ba wala pa ring title?

Just a brief background, sinimulan ko pong isulat ito noong highschool pa ako, pero sa notebook ko lang kasi wala pa yatang Blog noon or kung meron man eh di ko alam na meron. As I had mentioned at mababasa nyo rin sa “Meron naman talagang title...” eh nung college ako ay na-i-publish ko na ito gamit ang mobile blogging (natatandaan ko pa may nag-comment ng “Wow! May Blog-Novela pala sa G-Blog! Sana po bilisan nyo ang next release ng episodes, bitin po eh!) tapos nang mag-abroad ako at walang past-time eh na-i-blog ko na rin po ito dati sa Friendster Blog (naka 6 episodes/post din ako dun way back in 2007-2008) at ng mareformat ang Friendster ay nilipat ko sa Blog App ng Facebook nuong 2011.

Nasa akin pa po ang copy nung mga post ko sa Friendster Blog na siya ko rin naman ginamit sa Blog App ng Facebook kaya naman po sigurado ako na di masyadong magiging malaki ang mga pagbabago na gagwin ko sa storyline, pangit naman kung totally maiiba ang takbo ehdi para na din akong nagsulat ng ibang story kung ganoon.

Pinalitan ko ang orihinal na pangalan ng main character, mula sa Nor (Norland) sa dati kong mga blogs ay binago ko sa pangalang Arnold. (Nyek! Sabi ng walang spoiler eh ako pala itong nangunguna!). Ang plano ko dito dati nung sa mga nauna kong blogs ay gawing 3 book series ng isang mala novela approach, pinamagatan ko pa ngang “MY LOVE” a story of love in tragedy yung novela na iyon pero sa ngayon ang desisyon kopo ay di na siya gawing novela na may 3 book sa halip ay magiging separate stories na ito with separate titles, it may or may not follow the original storyline also para exciting!

Sana po ay magustuhan at subaybayan niyo ito.
Hyper Smash